12 Katao, Sugatan sa Sunog sa Isang Stall ng Malaking Mall sa Santiago City!

*Cauayan City, Isabela- *Umabot sa 12 katao ang sugatan sa nangyaring sunog dakong 11:44 ng umaga kahapon sa loob ng ikatlong palapag sa Gorios Yakiniku Japanese Grilled, Robinson’s Place, Santiago City.

Tatlo ang nasa Callang Hospital, Centro East ng nasabing Lungsod na nakilalang sina Christopher Corbe Cruz, 24-anyos, binata, service crew, residente ng P-8, Baptista Village, Calao East, Santiago City, Maria Victoria Ann Padilla Basillo, 24-anyos, dalaga, company auditor, customer at residente ng P-3, Basa, Salascion, Bayombong, Nueva Vizcaya at Mariel San Juan Reyes, 21-anyos, dalaga, customer at residente ng Baptista Village, Calao East, Santiago City.

Habang ang siyam ay nasa Southern Isabela Medical Center na sina Ofelia Agra Tavara, 58-anyos, may-asawa, customer, Barangay Official ng Purok #1, San Isidro, Diffun, Quirino, Alfredo Rivera Tavara, 61 y/o, married, pastor, P1, San Isidro, Diffun, Quirino, James Ramos Agra, 24-anyos, binata, estudyante, customer at residente rin ng Purok #1, San Isidro, Diffun, Quirino, Shane Isla Estimado, 20-anyos, dalaga, estudyante, customer, residente ng Purok #4 Turod Sur, Cordon, Isabela, Princes Baroma Sanchez, 21-anyos dalaga, estudyantey, customer at residente ng Purok #1, Lusod, Madela, Quirino.


Kabilang rin sa mga customer na nasugatan sina Fredie Mercado Carbonel, 21-anyos, binata, estudyante, residente ng Centro 3, Angadanan, Isabela, at tatlong mag-anak na sina Natasha Agra Pagaragan, 12-anyos, estudyante, Blessie Agra Tabara, 20-anyos, dalaga, at Keneth Agra Pagaragan, 9-anyos na pawang mga residente ng Purok #1, San Isidro, Santiago City.

Ang 12 na sugatan ay nagtamo ng 2nd degree burn mula sa pagsabog ng isang tangke ng nasabing grilled na pagmamay-ari ni Gary Cayetano ng Centro East ng nasabing Lungsod.

Ilang minuto lang ay naapula rin ng mga rumespondeng Bureau of Fire Protection (BFP) Santiago City ang nag-leak na LPG tank ng naturang grilled.

Matapos na ma-fire out kahapon ay balik din sa normal na operasyon ang nasabing mall.

Facebook Comments