12-line Worker ng ISELCO-1, Ipapadala sa mga lugar na Hinagupit ng Bagyo

Cauayan City, Isabela- Tutulong sa pagpapanumbalik ng suplay ng kuryente ang nasa 12 linemen workers mula sa Isabela-I Electric Cooperative, Inc. (ISELCO-I) sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Rolly at Quinta.

Ayon kay General Manager Virgilio Monano, paraan ito para maipakita ang malasakit sa mga pamilyang sinalanta ng kalamidad.

Tutungo ang grupo sa probinsya ng Marinduque na inaasahang 20 oras ang ibibiyahe ng mga ito bago makarating sa lugar at 20 oras din ang inaasahang matatapos ang pagsasaayos ng mga nasirang poste ng kuryente dahil sa bagyo.


Personal namang pinaalalahanan ni ISELCO-I BOD President/PHILRECA Party-List Representative Presley C. De Jesus ang nasabing grupo na kinakailangan pa rin nilang mag-ingat sa lahat ng oras dahil may mga pamilya pa rin silang uuwian.

Facebook Comments