Sa PBA, Meralco Bolts ipinalasap ang ika-apat na sunod na pagkatalo ng Blackwater Elite; Road Warriors, wagi rin vs. Rain or Shine

463

Ipinalasap ng Meralco Bolts ang ika-apat na sunod na pagkatalo ng Blackwater Elite sa kanilang paghaharap kanina sa 2020 PBA Philippine Cup.

Tinalo ng Bolts ang Elite sa score na 89-85 kung saan nanguna sa panalo ng Meralco si Chris Newsome na may 19-points.


Dahil sa panalo, hawak ng Meralco ang 4-3 win/loss record at nananatili pa rin sila sa top 8 sa team standings.

Samantala, nasungkit naman ng NLEX Road Warriors ang back-to-back win kontra Rain or Shine Elasto Painters sa score na 94-74.

Pinangunahan ni Kevin Alas ang panalo ng NLEX na nakakuha ng 18-points at dahil dito, lumalakas pa ang kanilang pag-asa na makapasok sa playoffs hawak ang 3-5 win/loss record.

Facebook Comments