12 lugar sa bansa, posibleng makapagtala ng ‘danger level’ category na heat index ngayong araw ayon sa PAGASA

Patuloy na makararanas ng mainit na panahon ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw.

Lumalabas sa five-day heat index forecast ng PAGASA, posibleng maitala sa Catarman, Northern Samar ang pinakamainit na heat index o init na nararamdaman ng isang indibidwal na 44 degrees Celsius.

Katumbas ito ng danger level category na posibleng maranasan ng isang indibidwal ang heat cramps at heat exhaustion habang posibleng mauwi sa heat stroke kapag na-expose sa matinding sikat ng araw.


Samantala, posible ring maranasan ang danger level category sa mga sumusunod na lugar:
• Port Area, Manila
• NAIA, Pasay City
• Science Garden, Quezon City
• Laoag City, Ilocos Norte
• Dagupan City, Pangasinan
• Aparri, Cagayan
• Tuguegarao City
• Iba, Zambales
• Dipolog City, Zamboanga Del Norte
• Zamboanga City, Zamboanga Del Sur
• Laguindingan Airport, Misamis Oriental

Kahapon naitala ang danger level category na heat index sa 30 lugar sa bansa kung saan sa
Ambulong saTanauan, Batangas naitala ang pinakamainit na 47 degrees Celsius.

Facebook Comments