8 opisyal ng PNP, na-promote sa pwesto kabilang si PIO Chief Red Maranan

Umangat sa pwesto ang 8 opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Ngayong araw, isinagawa ang donning of ranks sa Camp Crame kung saan pinangunahan ito ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., na siyang nagsabit ng estrella sa mga bagong promote na opisyal.

Kasama sa mga tumaas ang ranggo bilang Major General sina Harold Tuzon ng Area Police Command-Eastern Mindanao, Victor Wanchakan na galing sa Area Police Command-Western Mindanao at Rudolph Dimas ng Special Action Force.


Habang na-promote na Brigidier General ang Chief ng Public Information Office na si Redrico Maranan at mga dating Colonel na sina Victor Arevalo, Paul Lucas, Ephraim Gurat at Roderick Mariano.

Facebook Comments