ITINALANG high risk sa COVID-19 ang labing dalawang lugar sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa inilabas na Advisory No. 16-A ng Regional COVID-19 Vaccination Operations Center, kinabibilangan ito ng Basista, Bolinao, Infanta, Labrador, Laoac, Mabini, San Manuel, San Nicolas, Alaminos City, Urdaneta City, San Carlos City at Dagupan City.
Ang pagpapalabas umano ng advisory ay magiging batayan ng bawat Provincial at Local Vaccination Centers sa roll out ng vaccination sa A4 priority group.
Maari na umanong magbakuna sa A4 ang mga nabanggit na lugar ngunit kailangang huwag kalimutan ang pagbabakuna sa A1-A3.
Samantala, base sa update ng Department of Health ang lalawigan ng Pangasinan ay isinailalim sa Alert Level 3 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ito ngayon ay mayroong 736 na aktibong kaso sa kabuuang 15, 089 na kaso ng COVID-19.