Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 12-milyong essential workers na kabilang sa A4 priority group sa mga lugar na sakop ng “NCR Plus 8.”
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, sa buong bansa may tinatayang 22-milyong essential workers na dapat maturukan ng COVID-19 vaccine.
Kabilang sa mga lugar na maaari ng magbakuna sa mga essential workers ay ang National Capital Region, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Pampanga, Batangas, Cebu City at Davao City.
Iginiit naman ni Vergeire na naka-depende pa rin sa supply ng COVID-19 vaccines ang tagumpay ng pagbabakuna sa essential workers.
Facebook Comments