Vaccination rollout sa iba pang mga sektor, nakadepende sa supply ng COVID-19 vaccine – DOH

31

Inaasahan ng Department of Health (DOH) na sa susunod na buwan pa magiging matatag ang supply ng COVID-19 vaccine supply sa bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dedepende sa supply ng COVID-19 vaccine sa Hulyo kung kailan sisimulan ang vaccination rollout para sa mga nasa B at C categories.


Dahil dito, “gradually” o unti-unti pa lang aniya maaaring gawin ang expansion ng vaccination rollout sa bansa.

Giit ni Vergeire, kailangan pa ring maunang mabigyan ng bakuna ang mga most vulnerable sector sa COVID-19.

Facebook Comments