12 madre sa isang kumbento sa Rizal, nagpositibo sa COVID-19

58

Aabot sa 12 madre sa Carmelite Monastery sa Tanay, Rizal ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa pamunuan ng kumbento, pawang mga asymptomatic at mild cases ang mga ito.


Nabatid din nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna ang karamihan sa mga ito maliban na lamang sa isang madre dahil kasalukuyan itong sumasailalim sa oral chemotherapy.

Kasabay nito, nagpaabot ng mensahe at panalangin ang mga madre para sa lahat ng taong may sakit gaya ng COVID-19.

Facebook Comments