Pagbabakuna sa mga kabataan, sinimulan na rin sa Sri Lanka

Sinimulan na rin ng Sri Lanka ang pagbabakuna sa kabataang edad 12 pataas.

Ayon kay National Operations Center for Prevention of COVID-19 Outbreak (NOCPCO) Head General Shavendra Silva, prayoridad sa nasabing pagbabakuna ay mga kabataang may comorbidities gamit ang Pfizer BioNTech vaccine.

Pero nilinaw nito na kinakailangan munang dumaan sa examination ang mga bata.


Aniya, tanging sa mga ospital lamang din isasagawa ang pagbabakuna kung saan nauna na itong isagawa sa mga ospital ng distrito ng Anuradhapura at Kurunegala

Facebook Comments