12 medical students ng UP Manila, nabigyan ng scholarships ng Red Cross

Pinangunahan ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman and CEO Richard Gordon ang paglagda sa scholarship contracts sa 12 medical students ng UP College of Medicine.

Ang paglagda ay sinaksihan ng mga magulang ng medical students.

Sa ilalim ng scholarship grant ng Red Cross, ang bawat medical student ay tatanggap ng P300,000.00 scholarship benefits kada taon.


Tatlo sa scholars ay susuportahan ng PRC sa loob ng tatlong taon hanggang sa matapos nila ang Doctor of Medicine sa 2025.

Habang ang siyam na iba pa ay tatanggap ng scholarship benefits sa loob ng limang taon hanggang sa makumpleto nila ito hanggang sa 2027.

Ayon kay Gordon, kailangang-kailangan ng bansa ng mga doktor lalo na ngayong pandemic.

Facebook Comments