12 Misis at Brgy Kagawad, Huli dahil sa Paglabag sa Social Distancing!

Cauayan City, Isabela- Muling nakahuli ang pamunuan ng PNP Tumauini ng labing tatlong katao dahil sa paglabag ng mga ito sa social distancing sa brgy Maligaya ng naturang bayan.

Sa itinalagang quarantine checkpoint ng pulisya sa naturang barangay ay pinahinto at nasita ang isang sasakyan na minamaneho ng barangay Kagawad na si David Gannaban, 30 taong gulang kasama ang mga sakay na labing dalawang mga misis.

Nakatakda sanang magtungo ang mga ito sa palengke subalit nang dahil sa halos magsiksikan na ang mga ito sa sasakyan ay hinarang at hinuli na ng pulisya.


Dinala ang mga ito sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at sa tamang disposisyon.

Magugunitang walong katao rin ang bigong makapasok sa palengke matapos na walang maipakitang quarantine pass ang mga ito sa checkpoint.

Facebook Comments