4-anyos sa US, patay matapos mahulog sa bintana ng ika-16 palapag ng condominium

HOLLYWOOD, Florida – Nasawi ang isang 4-anyos na lalaki matapos itong mahulog sa bintana ng ika-16 palapag ng condominium.

Ayon sa ulat ng the Sun Sentinel, nasa bakasyon noon sa Florida ang biktima kasama ng kanyang pamilya kabilang na ang kanyang kambal, mga magulang at ang kanyang tiyahin.

Sabado ng umaga nang buksan umano ng tatay na si Phil Delduca ang bintana sa kwarto ng paslit para makapasok ang hangin sa loob.


Makalipas ang ilang saglit ay napansin daw nitong nakabukas ang screen ng bintana kaya agad niya itong tinanggal at inilagay sa higaan.

Ngunit nang makita raw ng tiya na si Patricia Wlodrzzyk ang nakatanggal na screen, dali-dali raw itong tumakbo para dumungaw sa bintana kung saan tumambad ang wala ng buhay na bata na nakahandusay sa lupa.

Samantala, ikinuwento naman ng ina ng biktima na parating gusto ng kanyang anak na makalipad sa ere.

Kaugnay nito, sinasabing aksidente ang pagkasawi ng paslit ngunit ayon sa Hollywood Police Department ay patuloy ang imbestigasyon sa nagyaring trahedya.

Facebook Comments