Umaabot na sa 12 mula sa 25 COVID-19 vaccine manufacturers ang lumagda na sa confidentiality disclosure agreement.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña na ang 12 vaccine manufacturers na ito ay kinakailangan nang magsumite ng data para sa evaluation ng vaccine expert panel at ng health research ethics board para sa protocols.
Ayon kay Dela Peña, ang mga vaccine developer na ito ay mula sa 10 mga bansa.
6 dito ay mula sa China, 6 sa Estados Unidos, 3 sa Chinese-Taipei, 2 sa Russia, 2 sa Australia, 2 sa Germany, 2 sa India, 1 sa Japan, 1 sa United Kingdom at 1 sa Canada.
Una nang naaprubahan para makapagsagawa ng clinical trials sa bansa ang Jansen, Clover at Sinovac, habang dalawa naman ang nauna nang naaprubahan para sa Emergency Use Authorization kabilang ang Pfizer at AstraZeneca.