89 na turista, arestado matapos mag-party sa isang bar sa Thailand

73

Umabot 89 turista kabilang ang 22 Thais ang arestado matapos lumabag sa Coronavirus restriction sa isang party bar sa Southern Thailand.

Ayon sa otoridad, nalaman nila ang nasabing party dahil sa bentahan ng ticktet online.


Nabatid na kabilang sa mga naaresto ay 20 French citizens, 10 Americans at 6 na Briton na pawang stranded sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Karamihan sa mga nadakip na turista ay nakalaya na sa pamamagitan ng bail habang 28 pa sa mga ito ang nananatiling nakakulong.

Facebook Comments