12 obrero, target na maabutan ng munting handog sa huling araw ng Oplan Tabang COVID-19 ng RMN at DZXL Radyo Trabaho

Papunta na ang DZXL 558 Radyo Trabaho team sa tatlong lungsod sa Metro Manila para sa last day ng “Oplan Tabang COVID-19 Response” ng RMN Networks at RMN Foundations.

Labing-dalawang (12) maswerteng manggagawa ang patuloy na hahanapin ng RT team sa Pateros, Mandaluyong at dito sa Makati City na siyang bibigyan ng special package at tiyansang manalo sa ating Bisekle-Trabaho promo.

Sa unang dalawang araw na pag-iikot ang aming team sa labing-apat na lungsod, limapu’t-anim (56) na obrero ang nakatanggap na ng special package at kapwa nag-aasam na manalo ng mountain bike.


Ang Oplan Tabang COVID-19 Response ay bahagi ng selebrasyon ng 68th Anniversary ng RMN Networks Inc., 8th Anniversary ng RMN Foundations, Inc. at 2nd Year Anniversary ng Radyo Trabaho.

Nagpapasalamat naman tayo sa walang sawang suporta ng Pfizer Philippines Foundation at ACS Manufacturing Corp., makers of Shield bathsoap at Unique Toothpaste.

Facebook Comments