12 patay sa plane crash sa Colombia

Photo Courtesy: Mid-Day

Colombia – Patay ang nasa 12 katao nang bumagsak ang sinasakyang eroplano.

Ang eroplano ay bumibiyahe sa pagitan ng San Jose del Guaviare at Villavicencio pero nagpatawag ito ng emergency.

Natagpuan ang bumagsak na eroplano sa La Bendicion.


Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga pasahero at hindi pa malinaw ang dahilan ng pagbagsak.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang civil aviation ng Colombia sa pamilya ng mga biktima.

Facebook Comments