Paggulpi sa mga pulis na sangkot sa extortion, okay lang kay PRRD

167

Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte na gulpihin ang mga pulis na sangkot sa extortion.

Iginiit ng Pangulo na hindi niya kinukunsinte ang “kotong cops” at hinimok pa ang publiko na isumbong sa kanyang opisina ang anumang korapsyon na kinasasangkutan ng law enforcers.

Nanawagan din si Pangulong Duterte sa mga manggagawa ng pamahalaan, maging ang mga pulis na iwasan ang korapsyon at magsilbi ng maayos sa taumbayan.

Babala pa niya, sisibakin niya ang mga public servant at sasampahan pa niya ng kaukulang kaso ang mga ito.

Facebook Comments