
Dumating na sa bansa ang 12 Pilipinong biktima ng illegal recruitment at human trafficking sa Myanmar.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), nakatakas ang mga Pinoy sa scam city matapos silang tulungan ng Myanmar military.
Nabatid na ang mga nakatakas na Pinoy ay binubugbog at kinukuryente ng electric shocks.
Minsan sila ay pinupwersa rin na mag-duck walk, frog walk, jump, at mag-squat sa loob ng ilang oras.
Sinubukan din ng mga Pinoy na magpaalam na aalis na sila sa scam city pero sila ay pinagbabayad ng kanilang employer ng $15,000.
At dahil wala silang pambayad, tumakas na lamang ang mga ito sa tulong ng militar ng Myanmar.
Ayon sa DMW, ang mga biktima ay ni-recruit sa Facebook ng isang Pinoy at pinangakuan ng trabaho sa Myanmar bilang customer sales representatives pero pagdating doon sila ay ginawang online scammers at wala silang sahod at day off.
Agad naman na binigyan ang mga Pinoy ng psychosocial services, financial aid, at legal aid.