Batas na lilikha ng 8 karagdagang korte sa San Juan City, nilagdaan ni PBBM

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Republic Act (RA) 12121 na lumilikha ng walong karagdagang korte sa San Juan City.

Sa ilalim ng batas, ginawang Regional Trial Court para sa San Juan ang apat na RTC Branch ng Pasig.

Ito ang RTC Branches 68, 160, 162, at 264.

Bukod sa mga bagong-convert na RTC branches, dalawang dagdag na RTC branches at dalawang iba pang sangay ng Metropolitan Trial Court (MeTC) sa National Capital Judicial Region ang nilikha at itatalaga rin sa San Juan.

Kaugnay nito, inaatasan ang Korte Suprema na maglabas ng guidelines para sa epektibong pagpapatupad ng batas.

Pinagtatalaga rin ang SC ng Branch numbers para sa mga bagong likhang sangay ng RTC at MeTC sa San Juan.

Ang kinakailangang pondo para sa pagpapatupad ng RA 12121, tulad ng sahod at benepisyo sa mga tauhan at iba pang kabayaran ay isasama sa General Appropriations Act 2025.

Facebook Comments