12 senador, nagkaroon ng special dinner kagabi kasama sina PBBM at FL Liza Marcos sa Malacañang

Nagkaroon special dinner kagabi sa Palasyo ng Malacañang ang 12 senador, ilang matapos ang pagpapalit ng liderato sa Senado.

Ibinahagi ni First Lady Liza Marcos ang litrato nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama ang ilang senador kagabi at ang mga kabiyak nito sa bahay pangulo.

Sa larawan, makikitang present sina Senador Robin Padilla, Raffy Tulfo, Francis Tolentino, Sherwin Gatchalian, Mark Villar, Jinggoy Estrada at Senate President Chiz Escudero.


Habang naroroon din sina Senadora Pia Cayetano, Loren Legarda, Cynthia Villar, Grace Poe, at Congresswoman Lani Mercado-Revilla na kinatawan ng kaniyang asawang si Sen. Bong Revilla.

Sa caption ni First Lady (FL) Marcos, nakasaad na “had a nice time with our senators and our spouses hope to see you guys again in August.”

Sa mga dumalo sa hapunan, sina Legarda at Gatchalian lamang ang hindi bomoto sa resolusyon para sa change of leadership sa Senado.

Mapapansing ‘absent’ din sa litrato sina Senador Migz Zubiri, Sonny Angara at JV Ejercito.

Facebook Comments