Proteksyon para sa mga Pilipinong mangingisda laban sa bagong arrest policy ng China sa WPS, tiniyak ng AFP

 

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na poproteksyunan at pananatilihin ang kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea (WPS).

Kasunod ito ng inilunsad na polisiya ng China kung saan aarestuhin umano ng China Coast Guard (CCG) ang sinumang ilegal na papasok sa kanilang maritime territory nang hindi dumadaan sa kaukulang proseso.

Iginiit naman ni Philippine Navy Spokesperson for the WPS Commo. Roy Vincent Trinidad na hindi pahihintulutan ng Hukbong Sandatahan na manaig ang sinasabing pag-aresto sa WPS na teritoryo ng bansa, lalo na sa mga kababayang mangingisda.


Aniya, ang polisiyang ito ng China ay hindi katanggap-tanggap dahil ito ay paglabag umano sa international law.

Binigyang-diin rin ni Trinidad na wala ring anumang legal na kasulatan hinggil sa kine-claim na 9-nine dash line ng naturang bansa.

Facebook Comments