12 senador ang ‘perfect attendance’ sa buong 54 session days ng second regular session ng 19th Congress.
Ang attendance ay binubuo ng parehong virtually at physically present na mga senador sa sesyon.
Mula July 24, 2023 o sa simula ng 2nd regular session, naitala ng Senate Secretariat ang perfect attendance ng Senate leadership sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate President pro tempore Loren Legarda at Senate Majority Leader Joel Villanueva.
Siyam na iba pang senador ang perfect attendance na kinabibilangan nina Senators Ronald “Bato” dela Rosa, Jinggoy Estrada, Sherwin Gatchalian, Christopher Lawrence “Bong” Go, Risa Hontiveros, Robinhood Padilla, Ramon “Bong” Revilla, Raffy Tulfo, at Cynthia Villar.
Samantala, pinakamababa sa attendance naman si Senator Alan Peter Cayetano na present sa loob ng 36 session days.
Kung may ilang senador na hindi naka-perfect attendance ito ay dahil posibleng late sa sesyon at hindi na nakaabot sa roll call, maysakit o kaya naman ay naka-official business.