Dividend at return rate ng Pag-IBIG Fund, tumaas noong 2023

Umabot sa 6.55% ang Dividend Rate ng Pag-IBIG Regular Savings noong 2023.

Habang pumalo naman sa 7.05% ang 2023 Return rate ng ahensya sa MP2 savings noong nakaraang taon.

Bahagya itong tumaas sa dividend rate noong 2022 na 6.53% at return rate na 7.03%


Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development of the Philippines (DHUSD) Secretary at Pag-Ibig Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, ang taong 2023 ang “best performing year” ng ahensya kung saan pumalo s ₱77.21 billion ang gross income nito at ₱49.79 billion ang net income na parehong pinakamataas mula noong 2019.

Patunay aniya ito ng malakas at matatag na estado ng Pag-IBIG Fund para mabigyan ng solusyon ang housing backlogs ng bansa.

Dahil dito, pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang outstanding performance ng Pag-IBIG na bunga umano ng “labor of love.”

Hinihimok naman ng pangulo ang ahensya na gawing mas accessible ang mga housing program para sa mga Pilipino.

Facebook Comments