12 suspek, huli sa buy bust operation ng mga otoridad sa Bacolod City

Bacolod City – Kasong violation ng section 5 at 11 ng RA 9165 o Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampang laban sa nahuling labing dalawang suspek sa drug buy bust operation ng police station 6 pasado ala una ng madaling araw kahapon sa annex building ng Libertad Public Market sa Bacolod City.

Ayon sa hepe ng station 6 na si P/Cinsp. Jovil Sedil, unang nagsagawa ng test buy ang police at nabilhan nila ng 200 pesos worth ng shabu ang suspek na si Pearl Mahinay, residente ng Barangay Handumanan, Bacolod City bago pa man isinagawa ang operasyon.

Ayon sa mga pulis, naaktuhan nila agad ang mga suspek na nagpa-pot session sa nasabing area.


Na-rebover mula kay Mahinay ang limang sachet ng suspected shabu at isa pang malaking plastic sachet ng suspected shabu na may estimate value na 11k pesos.
DZXL558

Facebook Comments