12 suspek sa ambush sa dating Gobernador ng Pangasinan, tukoy na

Umabot sa 12 suspect ang tinukoy sa nangyaring ambush sa dating Governor at Congressman ng Pangasinan na si Amado Espino Jr. at nakasuhan na kahapon.
Sa Press conference na isinagawa ngayon sa Pangasinan Police Office, kinilala ni Regional Director Joel Orduña ang mga suspek na si Albert Palisoc, Joey Ferrer, Benjie Resultan, John Paul Regalado, Ronnie Delos Santos, Gerry Pascua, Sherwin Diaz, Teofilo Ferrer, Isang “Russeler”, Jewel Castro, Alfred Pascaran at Armando Frias na mayroong existing warrant of arrest
Ang mga ito ay residente ng Pangasinan, Tondo Manila at Baguio City.
Sa kuha ng cctv na nakuha ng otoridad, nakitang bumaba ang ilan sa mga suspek na natukoy ng SITG Espino.
Nanatiling suspek parin ang may-ari ng mga sasakyan ginamit sa ambush na si Jewel Castro at John Paul Regalado sapagkat walang malinaw na rason na maibigay ang mga ito kung bakit nagamit ang kanilang mga sasakyan sa insidente
Sa ngayon, pag-aamin ni Orduña na kulang pa ang ebidensya na hawak ng mga ito at ipagappatuloy ang manhunt operation sa higit sampu pang suspek na maaring mastermind sa ambush.
###

Facebook Comments