Target ng Commission on Elections (COMELEC ) na maiproklama ang lahat ng nanalong senador at partial winning party-list groups sa Martes, Mayo 17.
Ayon kay Commissioner George Garcia, kung maka-canvass ngayong araw ang lahat ng natitirang Certificates of Canvass (COC), isasagawa ang preparasyon para sa proklamasyon bukas, araw ng Lunes.
Hanggang kahapon, nasa 149 na COCs na ang naka-canvass mula sa kabuuang 173.
Ang 24 na natitirang COCs ay binubuo ng 19 na manual overseas COCs, isang manual COC mula sa Vulnerable Sector Office, isang manula COC mula sa 63 mga barangay, isang electronic COC mula sa Lanao del Sur, isang electronic overseas COC mula Hong Kong at isang electronic COC mula sa Jordan.
Pero ayon kay Garcia, hindi lahat ng COC ay inaasahan nilang darating ngayong araw dahil magsasagawa pa ng special election sa Lanao del Sur sa Mayo 24 matapos na magdeklara ng failure of elections sa 14 na barangay sa lungsod.