120 individuals kada araw, target ng pamahalaan na mabakunahan sa NCR sa sandaling dumating na sa bansa ang mga bakuna

Posibleng umabot sa 120,000 kada araw ang mababakunahan sa National Capital Region (NCR) sa oras na dumating sa bansa ang mga inaabangang bakuna kontra COVID-19.

Ito ang inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Gen. Manager Jojo Garcia, kasunod ng pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA) sa paggamit ng bakuna ng Sinovac na CoronaVac para sa mga senior citizen.

Sa virtual Kapihan session ng Department of Health (DOH), sinabi ni Garcia na malaki ang maitutulong nito sa vaccination program ng mga lokal na pamahalaan lalo na sa Metro Manila.


Sa April 12 inaasahan na masisimulan ito, sa sandaling mailabas na ng DOH ang guidelines.

Aniya, kapag nagkasabay-sabay na ang suplay ng CoronaVac at iba pang mga COVID-19 vaccine ay mapapabilis ang pagbabakuna.

Facebook Comments