Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng 120 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela.
Batay sa datos na ibinahagi ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Biyernes, Pebrero 4, 2022, bagamat nadagdagan ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa probinsya ay bumaba pa rin sa 1,382 ang kabuuang aktibong kaso mula sa dating bilang na 1,626.
Mayroon namang 281 na covid-19 patients ang naitalang nakarekober samantalang may isa (1) na nasawi.
Umaabot naman ngayon sa 68,104 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Isabela.
Samantala, nangunguna pa rin ang Lungsod ng Santiago sa may pinakamataas na bilang ng active cases, sumunod ang Cauayan City na may 158 at pangatlo ang City of Ilagan na may 105.
Tanging ang bayan lamang ng Maconacon ang COVID-19 free sa Lalawigan ng Isabela.
Facebook Comments