Saturday, April 4, 2026

PNP, nagdagdag ng deployment para sa anibersaryo ng EDSA Revolution ngayong araw; pulisya, walang nakikitang banta ngunit tiniyak na nakabantay sa mga grupong posibleng gumawa ng kaguluhan

Nagdagdag ng deployment ang Philippine National Police (PNP) para sa ginaganap na ika-40 Edsa Revolution Anniversary ngayong araw.

Mula sa mahigit 13,000 personnel, ginawang nasa kabuuang 14,900 ang dineploy na kapulisan para tumiyak sa seguridad ng isasagawang pagtitipon sa Edsa White Plains, People Power Monument, at sa iba pang lugar na posibleng masulputan ng ibang grupo ng magrarally kagaya ng Ayala bridge sa Maynila.

Ayon kay bagong Director for Operations PBGen. Ponce Rogelio Peñones, tumaas din kasi ang inaasahang dadalo sa nasabing pagtitipon mula sa sinabing 20,000 ay naging humigit kumulang 30,000 na.

Dagdag pa ni Peñones nakabantay ang pulisya sa mga grupong mag-aagitate para magkaroon ng kaguluhan.

Sa ngayon, wala namang nakikitang banta ang pulisya pero tiniyak nito na patuloy ang kanilang pagbabantay sa nasabing malawakang pagtitipon.

Facebook Comments