San Fernando, La Union – Nasa 120 sa 125 na Local Government Unit ang nakatapos sa deadline ng distribusyon ng ayuda sa ilalim ng Social amelioration Program o SAP dito sa Region 1. Sa datos na ibinigay ng Department of Social Welfare and Development Region 1 sa IFM Dagupan, 731, 939 na benepisyaryo ang nakatanggap dito o nasa 4, 025, 664, 500 ang naibayad ng DSWD sa mga ito.
Sa Ilocos Norte, 89,408 na benepisyaryo ang naserbisyuhan o katumbas ng 89. 40%, 101, 921o 96. 92% sa Ilocos Sur, 118, 202 o 77.41% sa La Union at sa Pangasinan na may pinakamataas na nasa 96. 98% o katumbas ng 422, 408 na benepisyaryo ang nabigyan dito.
Ayon sa DILG, ang mga LGU’s na hindi nakatapos sa deadline ay maari pa namang ipagpatuloy pamamahagi ng ayuda hanggang sa hindi pa ipinapabalik ng DSWD ang pondo. Ang mga LGU’s na nagkaroon naman ng mababang perfromance sa distribusyon ng SAP ay sisimulan ng bigyan ng show cause order ng DILG. Matatandaan na nasa higit 434, 000 ang benepisyaryo dito sa Ilocos Region.
[image: 1800087_609522089129869_1684878851_o.jpg]