Online classes hindiinirerekomenda ng CHED Region 1 para sa napipintong balik eskwela nitong Agosto

San Fernando, La Union – Hindi inirerekomenda ng Commission on Higher Education o CHED Region 1 sa mga paaralan at unibersidad sa rehiyon uno ang pagkakaroon ng online classes sa balik eskwela nitong Agosto. Sa panayam ng IFM Dagupan kay Danilo Bose ang Public information officer ng Ched Region 1 marami ang dapat isaalang alang kapag inimplementa ang online classes unang una na dito ay ang teknolohiya ng gagamitin ng mga estudyante at ang internet connection ng mga ito dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang ibang estudyante sa Rehiyon ay hindi kayang magkaroon ng internet connection.

Ngunit saad naman ni Bose maaring gawin ang online classes ngunit kailangan ay by schedule upang hindi mahirapan ang mga estudyante. Samantala, nagpapatuloy ang CHED Region 1 sa paghahatid ng serbisyo sa buong rehiyon kahit may kinakaharap na Krisis na dulot ng covid19 Pandemic. [image: 12063813_1264625860231762_5720168614927746846_n.jpg]

Facebook Comments