Abot sa 120 katao ang nagpositibo sa Corona Virus Disease mula sa 405 na locally stranded individuals na mga taga Isla ng Basilan , Sulu at Tawi-Tawi .
Sinasabing may mga bata, may mga may edad na may iniinda ng karamdaman tulad ng high blood at diabetes ang kabilang sa mga nagpositibo sa covid 19 ayon pakay Dr. Zulkarnyn Abas, Deputy Minister ng MOH BARMM sa panayam ng DXMY.
Kaugnay nito, bagaman nagpositibo na sa Covid-19, karamihan sa mga ito ay asymptomatic.
Nasa Isolation Center ngayon ng BARMM sa Sultan Kudarat ang maraming bilang ng mga nagpositibo habang ang iba ay naka isolate sa ibang site dagdag pa ni Dr. Abas.
Wala namang dapat ikaalarma ang publiko dahil ginagawa naman ang lahat ng BARMM Government sa pangunguna ng MOH katuwang ang MSSD kasama pa ang IPHO Maguindanao upang maisiguro ang kaligtasan ng mga pasyente atmga nagnegatibong LSIs giit pa ni Dr. Abas.
Nakatakda namang ilipat sa isang malaking facility partikular sa isang Housing Project sa bahagi ng Parang ang mga LSIs na nag- negatibo sa karamdaman.
Samantala bukod sa mga LSI nakatakda ring iswab test ang mga frontliners na umasikaso sa mga ito dagdag pa ni Dr. Abas
MILG BARMM Pic