COVID-19 cases sa bansa, pumalo na sa 58,850

Pumalo na sa 58,850 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay matapos maitala ngayong araw ang 1,392 na bagong kaso kung saan 512 ang fresh cases at 880 ang late cases.

Sa kabuuang kaso, 36,260 ang aktibo.


11 naman ang nadagdag sa mga nasawi na umakyat na sa 1,614.

Habang sumampa na sa 20, 976 ang mga gumaling matapos madagdagan ng 517 recoveries.

Samantala, 43 bagong kaso ang naitala ngayong araw sa mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Dahil dito, pumalo na sa 8,915 ang overseas Filipino ang nagpositibo sa virus.

Nasa 5,311 naman ang mga gumaling habang nanatili sa 618 ang bilang ng mga nasawi.

Facebook Comments