120 MANGINGISDA SA REHIYON UNO, SINANAY SA PAGGAWA NG PRODUKTO GAWA SA SEAWEED

Sinanay ang 120 mangingisda mula sa La Union, Pangasinan, at Ilocos Norte sa paggawa ng mga produktong gawa sa seaweed sa ilalim ng Seaweed Food Cart (SFCart) Project ng BFAR Region 1.

Layunin ng programa na paunlarin ang post-harvest na proseso ng seaweed at bigyan ang mga coastal communities ng bagong pagkukunan ng kita.

Natutunan ng mga kalahok ang seaweed farming, Good Manufacturing Practices, financial management, packaging, at paggawa ng seaweed-enriched products tulad ng noodles, pastillas, churros, tarts, at butchi.

Namahagi rin ang BFAR ng kitchen tools at starter supplies upang masimulan agad ang produksyon.

Ayon sa BFAR, pinalalakas ng proyekto ang lokal na negosyo at binubuksan ang bagong oportunidad sa kabuhayan para sa mga coastal communities.

Facebook Comments