Umabot ng 120 ng mga indibidwal na mga residente ng Cavite ang mga inaresto ng mga pulis sa loob ng 24 oras dahil sa paglabag sa mga batas na ipinatutupad kaugnay sa umiiral sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.
Ayon kay Police Major Dennis Villanueva, Hepe ng Public Information Office ng Cavite Pulis, 94 mula sa nasabing bilang ay mga inaresto dahil sa curfew Mula Dasmariñas, Indang, Alfonso, Naic, Tanza at GMA.
Aniya, 17 dito ay mga lumabag sa Provincial Ordinance No. 271-2020 o ordinansa na nagbabawal sa pag benta at pagbili ng mga alak habang umiiral ang ECQ, na karamihan ay galing sa Dasmariñas, Silang and Rosario.
Sa kaparehong lugar, siyam naman ang nahaharap sa kasong paglabag sa Republic act 11332 o Direct Assault to an Agent of Person in Authority matapos silang hindi sumunod at makipagtigasan sa mga pulis na nasa checkpoint.
Pakiusap naman niya sa mga residente ng Cavite na makiisa muna at sumunod sa ipinatutupad ng mga hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa buong bansa.