120 taong pagkakakulong, ibinigay na hatol sa dating gobernador ng Zamboanga Sibugay

Manila, Philippines – Hinatulan ng Sandiganbayan 1st Division na makulong ng 120 taon si dating Vice Governor Eugenio Famor ng Zamboanga Sibugay.

Ito ay kaugnay sa pitong kaso ng graft at pitong kaso ng malversation of public funds dahil sa pagbubulsa ng pondo para sa Aid for the Poor Program.

Ang parusa sa dating gobernador ay 120-194 taong kulong at P593,500 multa.


Hindi na rin siya maaaring tumakbo sa halalan.

Pero dahil sa three-fold rule ng korte, ang bubunuin lamang niya sa kulungan ay hanggang 40 taon.

Mula Agosto 2001 hanggang Enero 2002 ay dapat naibigay na ang P593,500 cash assistance sa mga residente ng Zamboanga Sibugay sa ilalim ng Aid to the Poor Program ng Department of Social Welfare and Development.

Pero ayon sa State Auditor at Provincial Social Welfare Officer, si Famor ang tumanggap ng pondo at ang mga nakalista rin umanong beneficiaries ay hindi sa lugar na nasasakupan ng dating gobernador.

Facebook Comments