Sasagutin ng lokal na Pamahalaan ng Makati ang educational trips ng mga estudyante.
Aabot sa 12,000 mga estudyante mula preschool hanggang Grade 1 sa buong lungsod ang makikinabang sa educational trip na nagsimula nitong November 4 at magtatagal hanggang December 10.
Ito ay bahagi ng proyekto ng Makati na Project FREE (Free Relevant Excellent Education) na layong isulong ang holistic at experiential development ng mga batang magaaral.
Layon din nito na matuto at ma-appreciate ng mga estudyante ang ating kasaysayan at ang kanilang lungsod habang nagsasaya din sa kanilang field trip.
Ilan sa mga pangunahing atraksyon na kanilang pupuntahan ay Manila Ocean Park, Rizal Park, Fort Santiago, and Kidzania Manila. They are also given a tour of the Makati Police HQ, Makati Fire Station, at Makati City Hall.