120,000 na halaga ng Shabu, Nasamsam sa isang Drug Personality

31

Cauayan City, Isabela- Nasamsam sa isang lalaki ang ilang pakete ng iligal na droga at mga bala matapos isilbi ng mga awtoridad ang Search warrant sa kanyang bahay sa Cataggaman Nuevo, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Harold Dumlao, 42-anyos, may-asawa at residente sa nasabing lugar.


Positibong nakuha sa bahay ng suspek ang sampung (10) pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 15 gramo at nagkakahalaga ng P120,000; isang (1) piraso ng 5.56 magazine; dalawampu’t siyam (29) na piraso ng 5.56 live ammunition; siyam (9) na piraso ng caliber .38 live ammunition at mga drug paraphernalia.

Nabatid na si Dumlao ay kabilang sa PDEA’s City Targetlisted Drug Personality.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments