Ginang, Kulong sa Pagbebenta ng Droga

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga alagad ng batas ang isang babae matapos magpositibo sa ikinasang drug buy bust operation partikular sa Subdivision na bahagi ng brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Cristina Sarreal Lopez, 48 taong gulang, may-asawa at residente ng Sipat St., District 3, Cauayan City, Isabela.

Una rito, nagsanib pwersa ang mga operatiba ng Cauayan City Police Station at Provincial Intelligence Unit ng PDEU upang isagawa ang drug buybust operation laban sa suspek na nagresulta naman sa pagkakaaresto nito.


Ito’y matapos makabili ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang police poseur buyer kapalit ng halagang Php1,000.

Agad na dinakip ang suspek nang magpositibo ang inilatag na transaksyon kung saan narekober sa pag-iingat nito ang perang ginamit sa buybust; itim na sling bag; dalawang (2) pirasong sachet ng hinihinalang shabu, mga ID; at isang unit ng cellphone.

Si Lopez ay itinuturing na newly identified ng pulisya.

Agad na dinala sa Cauayan City Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at siya’y mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Tgas: 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, luzon, cauayan city police station, Cristina Sarreal Lopez, brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela

Facebook Comments