121ST ANNIVERSARY | Patuloy na paglilinis sa DOJ, tiniyak ni Justice Sec. Guevarra

Manila, Philippines – Tiniyak ni Justice Sec. Menardo Guevarra na magpapatuloy ang paglilinis at repormang pinatutupad niya sa DOJ.

Sa kanyang talumpati sa 121st Anniversary ng Dept. of Justice, tiniyak din ni Guevarra na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay babantayan niya ang pagtupad sa tungkulin ng bawat opisyal at empleyado ng DOJ.

Ayon kay Guevarra, batid niya rin ang nangyaring demoralisasyon sa hanay ng mga tauhan ng Justice Dept.


Gayunman, tiniyak ng kalihim na sa ilalim ng kanyang liderato ay hindi niya papayagan na magpatuloy ang demoralisasyon dahil makaka-apekto aniya ito sa kanilang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Sa katunayan aniya, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit siya bumuo ng team na tutulong sa kanya sa pagpapatupad ng mga reporma sa DOJ.

Facebook Comments