NAKA-HANDA | PNP custodial center, handa para kay Senator Trillanes

Manila, Philippines – Handa na ang Philippine National Police na tanggapin sa PNP Custodial Center sa loob ng Camp Crame si Sen. Antonio Trillanes IV sakaling ipagutos ito ng korte.

Sinabi ito ni PNP Spokesman Police Chief Supt Benigno Durana sa harap ng inaasahang paglalabas ng panibagong arrest warrant ang korte laban sa senador sa kasong coup’ d etat na walang piyansa.

Ayon kay Durana, laging bukas ang Custodial center para pagkulungan ng sinumang ipagutos ng korte na ikulong doon, depende nalang sa availability ng selda.


Si Trillanes ay pinahintulutang magpiyansa ng 200 libong piso para sa kanyang pansamantalang kalayaan matapos isilbi kahapon ang unang arrest warrant sa kasong rebelyon.

Facebook Comments