122 na mga bata at tauhan ng isang bahay ampunan sa Quezon City, nagpositibo sa COVID-19

Pinababantayan ngayon ng Quezon City Local Government Unit (LGU) ang mga bahay ampunan sa lungsod.

Ito’y matapos na magpositibo ang mga mga bata sa isang bahay-ampunan sa lungsod.

Ayon kay City Epidemiology and Surveillance Unit Chief Dr. Rolando Cruz, nasa 122 na mga bata at mga tauhan ng Gentlehands Orphanage sa Brgy. Bagumbuhay ang nagpositibo.


Sa naturang bilang, 99 ang mga bata na nasa edad 18 pababa ang nagpositibo.

Ani Cruz, isang asymptomatic adult ang pumasok sa bahay ampunan na posibleng nakapagdala ng virus at nagsanhi ng outbreak ng COVID-19.

Inaasikaso na ng lokal na pamahalaan ang kalagayan ng mga bata at ng mga tauhan ng orphanage.

Nagpadala na rin ang LGU ng mga gamot, vitamins, hygiene kits, face masks, alcohol, at food packs para sa pangangailangan ng mga nanunuluyan sa orphanage.

Facebook Comments