Aabot na sa 4,015,266 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala ngayong araw ng 1,227 na bagong kaso ng sakit.
Ito na ang ikatlong sunod na araw na mahigit 1,000 bagong kaso ng virus ang naitatala sa bansa.
Kaya naman, pumalo na sa 17,188 ang aktibong kaso ng sakit.
Habang, umakyat naman sa 3,933,723 ang kabuuang gumaling sa COVID-19 matapos makapagtala ng 539 na mga bagong nakare-kober.
Sumipa naman sa 64,355 ang total deaths matapos makapagtala ng 26 na bagong mga nasawi sa virus.
Samantala, nakikita naman ng Department of Health (DOH) na bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy ang pagbaba ng kaso ng virus sa National Capital Region (NCR), Luzon at Visayas, maliban lang sa Mindanao na nakitaan ng pagtaas ng kaso ng sakit.
Gayunpaman, kinumpirma rin ni Vergeire na nananatiling mababa ang bilang ng mga nagpapabooster shot sa bansa.