Isang senador, dismayado sa pagiging marahas ng basketball player ng JRU

Photo courtesy: GMA / NCAA

Dismayado si Senator Christopher “Bong” Go sa naging asal ng Jose Rizal University (JRU) basketball player na si John Anthony Amores.

Matatandaang, sinugod at sinuntok ni Amores ang ilang players ng College of Saint Benilde (CSB) sa gitna ng match-up ng kanilang mga koponan.

Sa budget deliberation ng panukalang 2023 budget ng Philippine Sports Commission (PSC) ay sinabi ni Go na bilang isang fan ng basketball ay sobra siyang nadismaya sa pangyayari.


Iginiit ng senador na walang lugar sa sports ang court violence.

Ibinahagi naman ng mambabatas ang posisyon ng PSC sa insidente, kung saan pinagpapatupad ang Samahan ng Basketball ng Pilipinas (SBP) ng preventive measures upang hindi na maulit ang insidente, gaya ng pagpapalakas ng kanilang security protocols at pagpapataw ng mga nararapat na parusa.

Facebook Comments