Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng high single-day record ng COVID-19 ang lalawigan ng Isabela batay sa datos na inilabas as of February 25,2021.
Sa ulat ng Provincial Health Office, pumalo sa 125 ang kumpirmadong naidagdag sa kaso ng mga tinamaan ng virus.
Sa kasalukuyan, umakyat na sa kabuuang 5,269 ang total cumulative cases ng Isabela simula noong Marso 2020 at 472 ang aktibong kaso na ngayon.
Matatandaang naitala ng probinsya ang 128 COVID-19 positive noong Disyembre 17,2020.
Kaugnay nito, may pinakamaraming kaso sa bayan ng Cabagan dahilan para isailalim ang ilang apektadong lugar sa calibrated lockdown.
Habang may 23 cases ang bayan ng San Manuel kung saan pinakamataas itong bilang na kanilang naitala.
Samantala, may naidagdag na 25 recoveries ang lalawigan na nagyon ay nasa kabuuang 4,698 ang kabuuang recoveries nito.
Umakyat naman sa 100 ang bilang ng naitalang nasawi sa COVID-19 habang patuloy ang ginagawang pagproseso sa mga dagdag na bakuna maliban sa ibibigay ng national government.