Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na pinaaaresto na ang 125 na miyembro ng Maute na sumalakay sa Marawi City.
Ayon kay Aguirre – kasunod na rin ito ng pagpapalabas ng arrest order no. 1 ni martial law administrator at Defense Sec. Delfin Lorenzana laban sa teroristang grupo.
Sinabi ni Aguirre na ang paglalabas ng arrest order ay kasunod ng impormasyon na nakakuha ng plane ticket papuntang Metro Manila ang karamihan sa Maute.
Kasabay nito, sinabi ng kalihim na mayroong labing walong indibiduwal na ang sumuko sa National Bureau of Investigation upang linisin ang kanilang pangalan.
Sa ngayon ay ikinukumpara na ng NBI ang mga sumukong indibiduwal sa hawak nilang listahan ng mga pangalan ng teroristang grupo.
DZXL558