Nagdiriwang ngayong umaga ang pamahalaang lungsod ng San Juan ng 125th Anniversary ng Pinaglabanan Day.
Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang nasabing selebrasyon na sinimulan ng flag raising ceremony sa Pinaglabanan Shrine.
Sinundan ito ng pagsindi ng cauldron o sulo ng kalayaan, wreath laying ceremony sa dambana ng alaala ng Pinaglabanan at nagkaroon din ng 21-gun salute.
Ayon kay Mayor Zamora, ang nasabing pagdiriwang ay inaalay ng pamahalaang lungsod ng San Juan sa mga frontliner ng lungsod.
Kaya naman ang tema nila ngayong taon ay “Kasaysayan ng Kabayanihan at Kalayaan sa Pinaglabanan, Inspirasyon sa Paglaya mula sa Pandemya sa San Juan!”
Bago ngayong araw, naunang nagsindi ang pamahalaang lungsod ng 3,380 solar-powered lights illuminated sa grounds ng Pinaglabanan Shrine na hugis mukha ni Gat Andres Bonifacio.
Bukas ito mula noong August 28 hanggang kahapon.
Simula naman ngayong araw hanggang September 2, papailawan pa rin ang nasabing shrine upang magbigay ng messages of hope, bilang suporta sa mental health.