Operasyon ng libreng sakay ng Pasig City Transport, pasamantalang sinuspinde ngayong araw

Inanunsyo ng Pasig City Transport na pansamantala nilang sinuspinde ang operasyon ng libreng sakay para sa mga residente ng lungsod.

Batay sa kanilang abiso, ito ay alinsunod sa pagdiriwang ng lungsod ng National Heroes’ Days ngayong araw, bilang isang regular holiday.

Ayon sa pamunuan ng Pasig City Transport, magbabalik ang kanilang operasyon bukas, August 31.


Ang libreng sakay ng Pasig ay inilunsad noong nagsimula ang community quarantine sa Metro Manila dahilan upang mabawasan ang mga pampublikong sasakyan habang may community restrictions.

Facebook Comments