126 pang mga Pinoy sa abroad, tinamaan ng COVID-19

44

Nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 126 na mga Pilipino sa abroad na bagong tinamaan ng COVID-19.

100 naman ang bagong gumaling at dalawa ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 18,134 ang kabuuang bilang ng overseas Filipinos na na-infect ng virus sa ibayong dagat.

5,877 sa mga ito ang patuloy pang nagpapagaling habang 11,142 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

1,115 naman ang kabuuang binawian ng buhay.

Facebook Comments